Monday, August 11, 2008

Buhay buhay dito sa Australia

Ganun pala yun. Ganun pala talaga.

Nung second week ko dito, meron kaming Bridging Program. Two days yun, maghapon. Syempre, yun yung time na makikilala namin yung mga international students din. Mahusay din naman ang aming school. Sa umaga, saka sa hapon, may pa kape, tsaa at merienda na pica pica. Magaling. Time to socialise (note the "s," haha!) and mingle with classmates. Dahil international students kami, required kami mag enroll dun sa course na Legal Reasoning and the Common Law System na gagawin for 4 days, 9:30 am to 4:30 pm. O diba? Bonding.

Syempre, pag nagpapakilala, sasabihin mo pangalan mo. "Hi, I'm May..." Hindi ko mapigilan, at nasabi ko na ng ilang beses nung napansin ko na hindi pala nalalayo sa mga beauty pageant contestants kung paano ko sinasabi  yun "Philippines" pag tinanong na "where are you from?" Minsan naman, may kausap ako sa library at nabanggit nya ang isang investment haven na "Turks and..." Syempre, tinapos ko ang sentence nya - "Cacos." He was impressed at alam ko daw ang bansa. Duh? Alam ko mga countries dahil sa Miss Universe, no. (Ano ba yan, nasobrahan ng kapapanoon ng Binibining Pilipinas at Miss Universe nung kabataan.)

Dito sa Sydney kahit sa kalye, meron kakausap sa iyo. In fairness, wala naman nag sasabi sa akin ng "G'day mate." Meron pa, "hi, how are you?" Speaking of "in fairness," tawa kami ng tawa nung isang Pinay na nakilala ko sa orientation (na ginanap sa Uni namin, na I swear, kamukha talaga ng Hogwarts ang courtyard pati loob ng Great Hall nila - I can imagine the Goblet of Fire inside it, pati na ang tables of the four houses). Kasi sabi namin, tayo lang mga Pinoy na marunong, o nakakadinig ng Pinoy gayspeak, ang nagsasabi ng "in fairness." At lumalabas lang ito pag Pinoy din ang kausap mo.

Para sa kanila, at pati din dun sa ibang classmates ko, lahat eh walking distance kahit pa mula SM Megamall hanggang Guadalupe bridge, que horror, eh walking distance pa din. Okay lang naman sana maglakad dito dahil hindi ka manlilimahid sa lagkit dahil malamig nga kaya lang, pag minalas ka at humangin, o kaya eh umambon, ay! - parang nakikipag cheek to cheek ka sa isang bloke ng yelo. Minsan, namanhid na ang kamay ko kaya pagbunot ko ng concession ticket ko, hindi ko pala nakuha. 

Medyo disoriented ako minsan. Sa Caloocan kasi ako nakatira doon sa Pinas kaya sanay ako na ang travel ko para mag trabaho eh papaunta South. Dito, dahil yung law school nasa City, I travel north going to school. Tapos isa pa, yung dagat nasa east. Eh di ba sa Pinas, ang Manila Bay nasa west? No sunset in the water dito. 

Kahapon, napadpad ako sa Coogee Beach. Maganda naman sya, pero nalula ako nung naisip ko na, kaharap ko na ang Karagatan Pasipiko at hindi na ang friendly friendly South China Sea.

Speaking of China, di masyado madami ang classmates ko from China or Asia for that matter. Practical ata sila kaya nandun sila sa Faculty of Business and Economics at hindi sa Law. Kaya naman, mas madami ako classmates, Europeans. Madami taga Holland, Germany at Switzerland. May isang taga Austria, pero half-Turkish sya, may taga Nazareth (!) at may taga Bangladesh. May classmates din ako na taga Argentina and Brazil. Isa lang ang taga US - siguro, mas gusto nila dun mag aral sa States. Nung nag start na ang regular classes, aba, wala pa din ako masyado nakikilala na Australians. Yung isang nakilala ko, of Chinese descent pa. Di ko talaga napigilan ang pagka jologs ko nung sinabi sa akin ni Mr. Austria na half-Turkish sya at dun sya sa Turkey lumaki. Sabi ko, "did you know that there was a Filipina who was a second runner up in the Ms. Worl pageant who married a rich Turkish businessman?" Ay ano ba? Syempre, di naman nya kilala the person Annabelle Rama calls "Elmas." Eto naman si Mr. Nazareth, syempre natuwa ako na may kilala na ako taga Nazareth. Kaso, di yata sya Kristiyano. Ay yay yay. Nakakaaliw din yung isang classmate ko na taga Holland. Pagkatapos ko i-recite ang beauty pageant "from the Philippines" line, sabi nya, "is your President still the woman, Arroyo?" O diba? Magaling. Pero good question. Is she still the President, mga friends? Until when will she be President? Baka pagbalik ko, Luzon at Visayas na lang ang Pilipinas ha? O baka naman dapat palitan na ng "Philippine Federation" ang passport ko. =)
 
Halo halo ang mga tao dito. Talaga naman, pag sakay mo ng train or bus, iba iba madidinig mo. Tower of Babel and dating. May nagchi-Chinese, may naghi-Hindi, may nagii-Spanish. Bihira pa nga yung may madidinig ka na may strong Australian accent. At teka, sino ba ang nagsabi na matataba ang mga tao dito? Ay hindi. Sila ay mga fit. At hindi naman din sila masyadong matangkad, mga sing tangkad ko lang. Pero hindi sila matataba huh. Kahit na yung mga grocery dito, yung Coles, Woolworths, nakakalula yung dami ng tinda nila na chocolates. M&Ms in pails! Ang mga Cadbury, sinlaki ng index card. Napakadaming flavor. Ay, ayoko lumapit, tukso, layuan mo ako! 

Naku, pati ang mga keso dito kadami. Lahat ng variety meron, at hindi sya mahal, relatively. Puwede ka may pa wine and cheese party araw araw. Eto nga, ang aming ref at ready for a wine and cheese party. Pati na ang aming wine rack. Itsura ng Novellino sa mga wine dito.

Nakanood na din ako ng sine dito: The Dark Knight at saka The Forbidden Kingdom (kailangan ko talaga makita si Jet Li, tapos masaya na ako). Naku, nanood kami sa Greater Union sa may Town Hall. Aba, nung nanood kami ng The Dark Knight, dun sa parte na lumabas na ang character ni Morgan Freeman, aba, tumigil ang sine, nagsindi ng ilaw! Kung sa Ever or SM Cinemas yan, nagsigawan na ng "boo" at "soli bayad!" ang mga tao. Actually, may mga sumisigaw na. "Ano ito?," sabi ko. Bigla ko na imagine si Piolo na lagarista. Baka tinatahi tahi pa ang rolyo. Natapos naman ang pelikula, at binigyan kami ng complimentary ticket pampalubag loob. Kaya kami nakanood ng Forbidden Kingdom.

Napapsabak ang camera ko sa kakapicture. Kagabi, sabi ko, sino yang rebulto? Si Queen Victoria daw. Ay, hindi ko nakilala. Mukha palang lalaki si QUeen Victoria.

Ayun ang kuwento. Masaya dito. Nakakaaliw. Pero syempre, miss ko pa din kayo. 

Labels: ,

1 Comments:

At Tuesday, August 12, 2008 11:56:00 AM, Anonymous Anonymous said...

magaling, magaling, magaling!

nakakatawa ka mary rose! parang transcript lang ng phone conversation ang isinulat mo. o kaya monologue ng stand up comedienne. ang saya!

 

Post a Comment

<< Home

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License.